Bakit mahirap ang Pinoy? Likas sa ating mga Pinoy ang masipag. Ang balot vendor inaabot na ng sobrang gabi kumita lang sa pagtitinda, takatak boys madaling araw pa lang nagtitinda ng yosi hanggang gabi para kumita. Mga empleyado sa opisina na malayo pa ang pinapasukan ay maaga ng gumigising para pumasok sa trabaho at nagmamadali baka ma-late sa pagpasok, at marami pang iba.
Pero sa kabila ng kasipagan ng mga Pinoy, bakit mahirap pa rin ang karamihang Pinoy? Alamin natin, Una: Mentalidad na pagiging empleyado hanggang sa pagretiro. Ito ay kahalintulad ng isang magsasaka na kahit anong pagsisikap ang gawin sa buhay ay di aasenso sa buhay,dahil di-niya pag-aari ang lupain na kanyang sinasaka. Ikalawa: Nakundisyon ang isipan na maging empleyado. Magsimula pa sa ating mga magulang, itinuturo na sa mga anak, " Anak mag-aral kang mabuti dahil iyan lang ang pamana namin sa'yo. Para sa iyong paglaki makahanap ka ng magandang TRABAHO." Ikatlo: Utak segurista. Ibang tawag ay "comfort zone" mas gugustuhin pa na meron siguradong kita tuwing akinse at katapusan. Hindi naisip na kahit patayin pa nila ang sarili sa pagtratrabaho, hanggang duon na lang ang kanilang kabuhayan at kung may idagdag man ay "minimal" na lang. Ika-apat: Takot sa bagong opurtunidad. Ang karamihan sa mga Pinoy ay takot sumubok ng panibagong opurtunidad para sa kanilang sarili o pamilya. Hanggat meron natatanggap na kita tuwing akinse at katapusan ay ayos na.
Hindi ko minamasama ang pagiging empleyado, dahil ako ay isa ring empleyado. Pero, huwag ninyo patagalin na manatili sa pagiging empleyado kung nais ninyo bigyan ng mas magandang buhay ang inyong pamilya. Huwag muna kayong mag-resign sa trabaho, pero pwede ninyo pagsabayin na kumita pa sa ibang larangan o opurtunidad na maaring dumating sa inyo. Ang mahalaga ay meron kayo adhikain na simulan ito sa lalong madaling panahon. Mas masarap na gumising sa umaga na wala kang Boss, gigising ka sa oras na gusto mo at siyempre ang mas mahabang oras na kapiling mo ang iyong pamilya. Manalig at manalangin sa Panginoon, dahil siya ang nagbibigay ng pagpapala at opurtunidad sa atin na maaring gamitin ang ibang tao. –usapang barbero 9/02/11

Live below your means and pay yourself first. Ke empleado ka o negosyante kung walang hilig mag ipon ay wala ring pupuntaha.
TumugonBurahin